Ilang gabi pa lang kitang nakilala
Bakit lagi ka sa ala-ala
Hindi matahimik
Laging kakaba-kaba
Paanong tatakasan ang kabaliwang ito
Kung sa pagpikit ng mata
Ikaw ang laging nakikita
Tatawag ka ba sa telepono
Hihiram ka ba ng libro
Gagawa ka ba ng paraan
Para makita mo ako?
Umaga na naman
Sumisirit ang liwanag sa mga siwang
Humuhuni na ang mga ibon sa ilanglang
Isang araw na naman
Ang nawala sa kalendaryo
Sige na naman
Ligawan mo na ako.
Monday, November 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment