Bumabagyo nang una tayong magkilala.
Isang tingin, isang ngiti
May para bang kumiliti
May kalabog sa dibdib kong
Hindi mawari.
Kay bilis ng sumunod na pangyayari:
Inabot ang kamay ko, pinisil mo
May luhang pumatak sa labi kong
Hinagkan mo.
Tinanong ang ngalan ko, ang ngalan mo.
Sumabay ang hakbang ko sa hakbang mo.
Kay higpit ng yakap mo sa balikat ko.
Nagkuwentuhan, nagtawanan, nangangatog, giniginaw
Sa paglusong sa bugso-bugsong ulan.
Mula Quiapo hanggang Cubao
Wala tayong pakialam
Kahit ng oras na iyon mundo’y magunaw.
Sinigaw mo ang ngalan ko. “Mahal kita”, ang sabi mo.
“Mahal kita” sa parking lot sa Araneta.
Buong mundo’y nakarinig, dumagundong pati langit. (pause)
Pati langit…
(Spoken)
“Ang sarap ng luto ng sweetheart ko, patikim nga”. (male voice)
“Hoy, baon mo yan sa trabaho, ‘wag mong ubusin!” (female voice)
“Um, talaga namang napakasarap. Pero mas lalong masarap kung
may kasamang kiss” (male voice)
(Tawanan)
Umalis ako, iniwan ka
Iniwan kang nagdurusa. (pause)
Nagdurusa…(pause)
(Spoken)
“Alam mo, pag nawala ka, mamamatay ako.
Mahaaall na mahal kita.” (male voice)
Kahapon lang naisip ka, naisip kong hanapin ka.
Kahapon din nalaman kong wala ka na.
(sotto voce)
Wala ka na…
Tuesday, July 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment